P750 national minimum wage dapat nang isabatas ayon kay Representative Zarate

Hinikayat ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate ang pamahalaan na aprubahan na ang kanilang panawagan na gawing P750 minimum wage sa buong bansa.

Ayon kay Zarate, kailangang payagan ang kanilang panukala upang makapamuhay ng kumportable ang isang pamilyang Pilipino.

Sinabi nito na na kung patuloy na ipagtatanggol ng gobyerno ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law at haharangin ang hirit na national minimum wage ay tiyak na tatamaan ng galit ng mamamayan ang mga kandidato ng administrasyon sa susunod na eleksyon.

Nauna rito sinabi National Economic and Development Authoriy (NEDA) Chief Ernesto Pernia na para mamuhay ng komportable ang isang pamilya na may limang myembro, kinakailangan ng P42,000 na sahod kada buwan.

Lumalabas aniya sa ibinigay na datos ng NEDA na kapos na kapos ang sweldo para mabuhay ng maayos ang isang pamilya.

Kung maipapatupad ang P750 national minimum wage ay maaabot nito ang kalahati ng P42,000 na sahod para mabuhay ang pamilyang may limang myembro na malaking tulong para sa mga ito.

Read more...