Duterte buo pa rin ang tiwala kay Mocha Uson ayon sa Malacañang

By Chona Yu June 07, 2018 - 06:16 PM

Inquirer file photo

Nananatili ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Presidential Communications Asec. Margaux “Mocha” Uson.

Pahayag ito ng palasyo sa gitna ng umiinit na word war sa pagitan nina Uson at ni Kris Aquino dahil sa pag-upload ng Presidential Communications Office official sa video ni dating Senador Ninoy Aquino Jr. na hinahalikan ng dalawang babae.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi sinisibak ng pangulo si Uson.

Ibig sabihin, buo pa ang trust and confidence ng pangulo sa nasabing opisyal.

Ayon kay Roque, lahat ng presidential appointee ay nagsisilbi sa kagustuhan ng pangulo.

Matatandaang hindi nagustuhan ni Kris ang paghahambing ni Uson sa paghalik ng dalawang babae kay Aquino at paghalik sa labi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang may asawang Pinay sa meet and greet sa Filipino community sa South Korea.

TAGS: duterte, haryy roque, Kris Aquino, uson, duterte, haryy roque, Kris Aquino, uson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.