Misis sugatan makaraang saksakin ng mister sa Mandaluyong City

By Rohanisa Abbas June 07, 2018 - 05:31 PM

Pinagsasaksak ng isang lalaki ang kanyang asawa gamit ang ice pick sa Mandaluyong City.

Ayon sa ulat ng Mandaluyong City Police Station, bago ang insidente ay nagkasagutan sina Herman Pang-itan at kanyang asawang si Nelia sa kanilang bahay kagabi.

Sumigaw si Nelia at nagising ang kanyang anak na si Christine.

Tumambad ang katawan ng kanyang ina na may nakabaon na ice pick sa katawan.

Hinugot ni Christine ang ice pick sa katawan ni Nelia at agad na tumakas mula sa ama.

Tinangka ni Herman na sasakin uli ang asawa gamit ang screw driver pero napigilan ito ng kanyang anak.

Itinakbo sa ospital ang sugatang biktima habang nakadetine ang suspek na mahaharap sa kaso.

TAGS: Mandaluyong City, PNP, stab wound, Mandaluyong City, PNP, stab wound

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.