Muliti-billion dollar online trading scam group nalansag ng PNP sa Clark

By Mark Makalalad June 07, 2018 - 05:00 PM

Iimbestigahan ng Philippine National Police kung may pananagutan ba ang pamunuan ng Clark Freeport Zone sa pagpapahintulot sa isang malaking establisyemento na makapag-operate kahit walang business permit.

Ito’y kasunod na rin ng pagkakaaresto sa mahigit 400 indibiwal kasama ang walong Israeli nationals.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, aalamin ng PNP kung bakit pinapayagan ang mga ito na makapag-negosyo sa loob ng dalawang taon na hindi nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.

Sa ngayon anya ay nakikipag-ugnayan na ang Anti-Cybercrime Group sa pamunuan ng Clark Freeport hinggil dito.

Banggit pa ni Albayalde, nasa $1 Million ang kinikita ng mga suspek sa isang araw nilang transaksiyon.

Hindi naman matukoy ng PNP kung magkano ang halaga ngayon na nakulimbat ng grupo ng mga Israeli pero paniwala nila na “Billions of dollars” na ito dahil kalat-kalat ang kanilang transaksyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

TAGS: albayalde, Clark, online trading, albayalde, Clark, online trading

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.