MILF hindi isusuko ang mga armas kapag pumalpak ang BBL
Nagbabala ang isang lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na hindi nila isusuko ang armas ng kanilang pwersa kapag walang naipasang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Nanawagan si MILF Vice Chariman Ghazali Jaafar sa Kongreso na tiyaking alinsunod sa kasunduan sa pagitan ng grupo at gobyerno noong 2014.
Nagbabala rin si Jaafar na posibleng hindi lumusot sa plebisito ang BBL kung walang katuturan na bersyon nito ang ipapasa.
Dagdag niya, hindi rin nito mahihimok ang mga grupo gaya ng Maute at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na suportahan ang peace process.
Samantala, nanawagan si Jaafar na huwag tawaging walang kwenta ang BBL dahil pinaghirapan nila ito.
Nakatakdang pagdebatehan ng Senado at Kamara ang kani-kanilang bersyon ng BBL sa July 9 hanggang 13 para planstahin ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.