Mas malawak na kampanya laban sa mga kriminal tiniyak ng Malacañang

By Chona Yu June 07, 2018 - 03:09 PM

Inquirer file photo

Pag-iigtingin pa ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang giyera kontra sa kriminalidad.

Ito ang binigyaang diin ng palasyo matapos ihayag ng pangulo na magpapatupad siya ng radical change sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nahabag kasi ang pangulo sa pinatay na prosecutor na limang buwang buntis sa Quezon City kamakailan.

Pinawi ng palasyo ang agam-agam ng mga progresibong grupo sa radical change sa national security ng bansa.

Ipinaliwanag ni Roque na nakukulangan pa ang pangulo sa resulta sa kampanya ng pamahalaan kontra sa kriminalidad, ilegal na droga at terorismo.

Inihayag ng opisyal na magkakaroon ng pagbabago sa istratihiya para magtagumpay ang kampanya laban sa mga kriminal.

Tiniyak ni Roque na ang radical change sa national security ay naaayon sa batas kaya walang dapat ikatakot ang mga mamamayang sumusunod sa batas.

Batay sa record hindi pa pinawawalang bisa ng pangulo ang September 4, 2016 proclamation 55 na nagsasailalim sa buong bansa sa State of National Emergency matapos maganap ang Davao City bombing gayundin ang martial law sa buong Mindanao dahil sa Marawi siege na ginawa ng Maute at Isis group.

TAGS: criminality, duterte, Malacañang, radical change, Roque, criminality, duterte, Malacañang, radical change, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.