Kakataying kalabaw sa Pangasinan nagwala, apat ang sugatan

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 07, 2018 - 01:01 PM

FILE PHOTO

Sugatan ang apat na katao makaraang magwala ang isang kalabaw na nakatakdang katayin Huwebes ng madaling araw sa Mangaldan, Pangasinan.

Ang sampung taong gulang na kalabaw ay dadalhi n asana sa katayan ng may-ari sa kaniya na si Ronald Soriano ala 1:30 ng madaling araw nang bigla itong nagwala at inatake ang 20-anyos na mangangatay na si Jon Mark Molato.

Nakatakbo pa ang kalabaw na nagresulta naman para mabalian ng binti si Soriano.

Nang maitawag sa pulisya ang insidente, rumesponde ang mga pulis pero nabigo silang mahanap ang nagwawalang kalabaw.

Pagsapit ng alas 5:30 ng umaga nakatanggap ng ulat ang mga pulis na sinuwag ng kalabaw ang dalawang nagpapagasolina sa isang gasoline station na nakilalang sina Diane Bautista at John Paul Serapion.

Agad rumesponde ang mga pulis at doon na nila napahinto ang kalabaw matapos barilin gamit ang M16 rifle.

Ayon kay SPO4 Vicente Abrazaldo ng Mangaldan police station, grabe ang pagwawala ng kalabaw at maaring makapatay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Mangaldan, pangasinan, Radyo Inquirer, Mangaldan, pangasinan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.