Isa sugatan sa pagbagsak ng isang light plane sa banana plantation sa Davao Del Norte
Sugatan ang piloto ng isang maliit na eroplano makaraang bumagsak ito sa bahagi ng Panabo City sa Davao del Norte.
Nagtamo ng sugat si Capt. Andrew Bernal matapos bumagsak ang eroplano sa a farm sa Barangay Upper Licanan.
Ayon kay Senior Insp. Milgrace Driz, tagapagsalita ng Southern Mindanao police ang agricultural aircraft na RP-R5835 at pag-aari ng Aerowurkz Aviation ay nagsasagawa ng pag-spray sa banana plantation sa Purok 1, Upper Licanan alas 9:00 ng umaga ng Huwebes.
Nagkaroon umano ng problema sa makina ang eroplano at habang nasa daan pabalik sa hangar ay doon na ito nag-crash.
Ang nasabing uri ng light planes ay ginagamit sa mga banana plantation sa Davao del Norte para malagyan ng pesticides ang mga pananim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.