“Duterte – Roque Lips to Lips Kiss” ginawang ‘event’ sa Facebook ng mga netizen

Kumakalat ngayon sa social networking site na Facebook ang isang event sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Presidential spokesperson Harry Roque.

Ginawa ng PAGE INDEX ang comedy event na Katuwaan Lang, Walang Malisya: Duterte – Roque Lips to Lips Kiss.

Nag-ugat ito sa kontrobersyal na paghalik ni Duterte sa labi ng isang Pinay sa harap ng Filipino community sa South Korea.

Nakasaad sa detalye nito na ginawa ito ng Facebook page na PAGE INDEX dahil sa pahayag ni Roque na walang malisya ang paghalik ni Duterte sa Pinay. Anila, pampa-good vibes lang ang pakay ng event na ito.

Hinimok nito na gawin ang event araw-araw hanggang June 30.

Sa ngayon, aabot sa 1,800 netizens ang interesado rito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...