Dalawang hinihinalang miyembro ng ISIS arestado ng mga otoridad sa Cagayan de Oro
Nahulog sa kamay ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang hinihinalang miyembro ng ISIS sa isang checkpoint sa Cagayan de Oro City.
Nakilala ang nahuli na si Eyadzhemar Abdusalam, 26 taong gulang.
Kasama niyang naaresto ang kaniyang asawa na si Catherine Dianne Palmitos na isang ISIS supporter at facilitator.
Ayon kay Northern Mindanao Police Director Chief Supt. Timoteo Pacleb, ang pag-aresto sa dalawa ay bunga ng intelligence na kanilang natanggap matapos ang Marawi Seige.
Nakuha mula sa mag asawa ang isang kalibre 45 na baril at isag magazine na nakasilid sa kanilang backpack,
Nabatid na si Abdusalam ay graduate ng BS Nursing sa Notre Dame of Dadiangas University (NDDU) sa General Santos City at isang registered nurse.
Napag-alaman din na nagdadala si Abdusalam ng medical supplies sa Maute members at plano rin sana nito na manggulo sa Pista ng Quiapo nitong Enero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.