Warriors isang panalo na lang ang kailangan para makuha muli ang championship matapos talunin ang Cavaliers sa game 3

Naitala ng Golden State Warriors 3-0 sa best of seven series ng NBA finals.

Ito ay makaraang talunin ng Warriors ang Cleveland Cavaliers sa game 3 sa score na 110 – 102.

Dahil dito, isang panalo na lang ang kailangan ng Warriors para maibulsa ang kampeyonato.

Hindi masyadong naka-score si Steph Curry na nakapagtala lang ng 11 points.

Pero si Kevin Durant ay nag-ambag ng 43 points, habang tigsa-sampung puntos ang ibinigay nina Jordan Bell, JaVale McGree, Klay Thomposon at Draymond Green.

Sa panig naman ng Cavaliers, 33 points ang ibinigay ni LeBron James at 20 points si Kevin Love.

Lamang ang Cavaliers sa 1st at 2nd quarter, pero nagsimulang humabol at magpaulan ng puntos ang Warriors sa 3rd at 4th quarter.

Magaganap ang game 4 sa Sabado, alas 9:00 ng umaga oras sa Pilipinas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...