DOT Usec. Laviña inilapat sa DA, iba pang appointees inilabas ng Malakanyang

By Chona Yu June 07, 2018 - 11:27 AM

Inilipat ng tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Tourism Undersecretary Jose Gabriel Laviña bilang bagong undersecretary ng Department of Agriculture (DA).

Pupunan ni Laviña ang binakanteng puesto ni Bernadette Puyat na itinalaga naman ni Pangulong Duterte bilang bagong kalihim ng Department of Tourism (DOT).

Bago naitalagang undersecretary ng DOT, nagsilbi munang commissioner ng Social Security System (SSS) si Laviña subalit hindi na ito nare-appoint ng pangulo sa parehong puwesto.

Itinalaga rin ng pangulo ang abogado ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Cagayan Economic Zone Authority Administrator Atty. Raul Lambino bilang Presidential Adviser for Northern Luzon.

Tatanggap lamang si Lambino ng P1 budget kada taon sa bago niyang posisyon.

Itinalaga rin ng pangulo ekonomistang si Bruce Tolentino bilang miyembro ng Bangko Sentral ng Pilipinas Monetary Board.

Papalitan ni Tolentino si Valentin Araneta at tatagal ang kanyang termino ng hanggang July 2020.

Samantala, ni-reappoint din ng pangulo sina Carlos Chan, Wallie Lee bilang mga special envoy sa China at Maria Helen Barber Dela Vega bilang ambassador sa Australia.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: lavina, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, lavina, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.