Mahigit 2,000 sasakyan na ang nahuli sa anti-colorum drive ng DOTr

By Ricky Brozas June 07, 2018 - 09:22 AM

Umabot na sa 2,470 na colorum na sasakyan ang nahuli ng Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT) sa loob ng isang taon at siyam na buwan ng pinalakas na anti-colorum campaign sa ilalim ng Duterte administration.

Mas mataas ito sa 1,744 apprehensions na naitala mula Enero 2010 hanggang Hunyo 2016 o limang taon at anim na buwang noong nakaraang administrasyon.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure at i-ACT overall head Tim Orbos, malaking bahagi ng tagumpay na ito ang aktibong partisipasyon ng publiko, kasabay ng paglawak ng kanilang kaalaman sa kapahamakan na posibleng idulot ng mga sasakyang ito sa kalsada.

Dahil sa naturang kampanya sinabi ni Orbos na kahit papano ay bahagyang nabawasan ang dami ng mga sasakyan sa Metro Manila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: anti colorum, dotr, Inter Agency Council on Traffic, Radyo Inquirer, anti colorum, dotr, Inter Agency Council on Traffic, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.