Heart Evangelista nakaranas ng miscarriage

By Jimmy Tamayo June 07, 2018 - 08:14 AM

Malungkot na ibinalita ng Kapuso actress na si Heart Evangelista na nakaranas siya ng miscarriage.

Sa kanyang Instagram post, inihayag ni Heart ang nakalulungkot na balita matapos magpa check-up sa kanyang doktor.

Sa ikatlong buwan ng kanyang pagbubuntis, sinabi ni Heart na tumigil ang pagtibok ng puso ng kanyang dinadala.

Sinabi pa aniya ng doktor na wala na silang magagawa lalo’t nangyayari daw ito sa maraming first time moms.

Nagpasalamat naman ang aktres sa dasal at suporta sa kanya ng marami.

Noong May 12, nauna nang inihayag ng mag-asawang Heart at Senator Chiz Escudero na kambal ang pinagbubuntis ang aktres.

Pero noong May 17, inanunsyo din ni Heart na nawala ang isa sa kambal.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: actress, first time mom, heart Evangelista, Kapuso Network, pregnancy, Radyo Inquirer, actress, first time mom, heart Evangelista, Kapuso Network, pregnancy, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.