Heavy rainfall warning sa Metro Manila, terminated na – PAGASA
Inalis na ng PAGASA ang umiiral na heavy rainfall warning sa Metro Manila at sa mga kalapit na lalawigan.
Sa abiso ng PAGASA alas 6:00 ng umaga ng Huwebes, inalis na ang umiiral na heavy rainfall warning.
Nangangahulugan itong huminto na ang malakas na buhos na ulang nararanasan na dulot ng bagyong Domeng at buntot ng habagat na pinalalakas nito sa nakalipas na isang oras.
Ayon sa PAGASA, sa ngayong, light hanggang moderate na pag-ulan na lang ang nararanasan sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Batangas, at Northern Quezon.
Makararanas din ng light hanggang moderate na pag-ulan ang Bataan, Nueva Ecija, Tarlac, at Pampanga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.