Maraming lansangan sa Metro Manila binaha dahil sa magdamag na pag-ulan
Dahil magdamag na inulan ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan marami nang lansangan ang binaha.
Sa West Riverside Street sa Barangay San Antonio sa Quezon City pinasok na ng tubig ang ilang mga bahay.
Ayon sa post sa twitter ng netizen na si Marvin Villa umabot sa 5 feet ang taas ng tubig baha sa lugar.
Binaha din ang bahagi ng Maria Clara Street kanto ng Araneta Avenue.
Sa kanto naman ng Talayan at Araneta Avenue sa Quezon City malali rin ang tubig baha.
Ang nasabing mga lansangan ay kadalasan nang binabaha kapag magdamag ang pag-ulan.
Samantala sa Mandaluyong City naman, umabot sa ankle hanggang knee deep ang naitalang pagbaha sa ilang lansangan sa Barangay Addition Hills.
May mga naitala ding pagbaha sa bahagi ng Taft Avenue, Roxas Boulevard at Andrews Avenue.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.