Lahat ng mga barangay sa mga flood prone areas sa Isabela, Cagayan, Quirino at Aurora at dapat nang sumailalim ng pwersahang paglilikas.
Ito ang rekomendasyon ng NDRRMC sa mga lokal na pamahalaan habang patuloy na paglapit at paglakas ng bagyong Lando.
Kaninang alas nuebe ng gabi ay nasa layong 170 kms na lamang ang bagyong Lando at ayon sa PAGASA ay inaasahang tatama sa Aurora bukas, araw ng Linggo sa pagitan ng 8-9am.
Umiiral na ngayon ang “OPLAN LISTO” na nagsasagawa ng mga critical preparedness actions 48 oras bago dumating ang bagyo. Kaninang umaga, isang “text blast system” ang ipinatupad ng NDRMMC sa mga residente kung saan karaniwang nagaganap ang mga pagguho ng lupa at pagbaha.
Naka-red alert na lahat , sabi ni Executive Director Pama sa regins 1,2 ,3 kasama ang Cordillera kung saan ang disaster operations ay kumikilos na ng husto. Patuloy silang nagsasagawa ng “video conferencing” sa mga apektadong rehiyon upang mabantayan ang mga panganib at sitwasyon sa naturang mga lugar.