Forced evacuation sa Aurora at tatlo pang lalawigan

By Jake Maderazo October 17, 2015 - 11:12 PM

Lando4
NOAA file photo

Lahat ng mga barangay sa mga flood prone areas sa Isabela, Cagayan, Quirino at Aurora at dapat nang sumailalim ng pwersahang paglilikas.

Ito ang rekomendasyon ng NDRRMC sa mga lokal na pamahalaan habang patuloy na paglapit at paglakas ng bagyong Lando.

Kaninang alas nuebe ng gabi ay nasa layong 170 kms na lamang ang bagyong Lando at ayon sa PAGASA ay inaasahang tatama sa Aurora bukas, araw ng Linggo sa pagitan ng 8-9am.

Umiiral na ngayon ang “OPLAN LISTO”  na nagsasagawa ng mga critical preparedness actions 48 oras bago dumating ang bagyo. Kaninang umaga, isang “text blast system” ang ipinatupad ng NDRMMC sa mga residente kung saan karaniwang nagaganap ang mga pagguho ng lupa at pagbaha.

Naka-red alert na lahat , sabi ni Executive Director Pama  sa regins 1,2 ,3 kasama ang Cordillera kung saan ang disaster operations ay kumikilos na ng husto. Patuloy silang nagsasagawa ng “video conferencing” sa mga apektadong rehiyon upang mabantayan ang  mga panganib at sitwasyon sa naturang mga lugar.

TAGS: Evacuation, isabela, NDRRMC, Evacuation, isabela, NDRRMC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.