Bahay sa Tandang Sora sa QC tinupok ng apoy

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 07, 2018 - 06:11 AM

Nasunog ang isang bahay sa Tandang Sora sa Quezon City Huwebes ng madaling araw.

Nagsimula ang sunog sa bahay na pag-aari ng pamilya Dy pasado alas 2:00 ng umaga.

Ayon sa Quezon City Fire Department wala naman nang iba pang bahay at establisyimento sa lugar na nadamay sa sunog.

Posible umanong faulty electrical wiring ang dahilan ng pagsiklab ng apoy at maaring may leak ang bubong ng bahay dahilan para mapasukan ng tubig ang kisame at mabasa ang wiring.

Naideklarang fire out na ang sunog alas 3:30 ng umaga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: fire incident, quezon city, Radyo Inquirer, Tandang Sora, fire incident, quezon city, Radyo Inquirer, Tandang Sora

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.