Bagyong Domeng patuloy sa paggalaw papuntang hilaga ng Philippine Sea

By Justinne Punsalang June 07, 2018 - 12:59 AM

Patuloy na nagdadala ng katamtaman hanggang sa paminsan ay mabigat na pag-ulan ang bagyong Domeng sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Nakdaragdag din ang Habagat sa mga pag-uulang nararansan sa mga nabanggit na lugar.

Sa latest weather update ng PAGASA ay ipinaalam na nagpapatuloy ang naturang bagyo sa pagtahak sa direksyong hilaga-hilagang kanluran sa Philippine Sea.

Nananatiling maliit ang tsansa na magla-landfall sa bansa ang bagyong Domeng na pinalalakas ng Habagat.

Dahil dito ay magiging maulan sa MIMAROPA at Western Visayas simula bukas, araw ng Biyernes. Habang makararanas rin ng pag-uulang dala ng bagyo ang Metro Manila sa weekend.

Paalala pa ng weather bureau, posible ang flash flood at landslide sa mga madadaanan ng ulang dulot ng bagyo.

Inaabisuhan rin ang mga mangingisda at iba pang maliliit na bangka na hindi ligtas maglayag sa silangan at kanlurang seaboards ng Luzon.

Huling namataan ang bagyong Domeng sa layong 725km silangan ng Virac, Catanduanes.

Mayroon itong hanging aabot sa 45kph malapit sa gitna, at pagbugsong aabot naman sa 60km kada oras.

Gumagalaw ito sa direksyong hilaga-hilagang kanluran sa bilis na 15kph.

Nananatiling nakabaa ang tropical cyclone warning signal sa buong bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub