P10,000 sweldo na ipinagmamalaki ng NEDA pinalagan ng Gabriela

By Erwin Aguilon June 06, 2018 - 06:57 PM

Inquirer file photo

Umalma si Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas sa pahayag ng National Economic Development Authority (NEDA) na kayang mabuhay ang isang pamilya na may limang miyembro sa halagang P10,000 kada buwan. \

Ayon kay Brosas, hindi nakikita ng NEDA ang tunay na kalagayan ng mga ordinaryong pamilya sa bansa na hindi na halos kumakain para lamang matugunan ang iba pang pangangailangan.

Sinabi nito na ang hindi makataong standard ng pamumuhay na itinatakda ng NEDA ay maaring dahilan para hindi ibigay sa mga manggagawa ang hirit na P750 national minimum wage at para i-downplay ang epekto ng TRAIN Law.

Iginiit ni Brosas, hindi mamamatay sa Oplan Tokhang at all-out-war ang mga mahihirap na pamilya kundi papatayin ng gobyerno sa gutom ang mga ito.

Idinagdag nito na pwersahan na pinag-da-diet ang mga Pinoy dahil sa mababang halaga na itinakda ng NEDA para mabuhay ang isang pamilya.

TAGS: 000, 10, brosas, gabriela, neda, 000, 10, brosas, gabriela, neda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.