Ondoy” posibleng maulit ayon sa PAGASA at NDRRMC

By Jake Maderazo October 17, 2015 - 09:08 PM

satpic5pm
Pagasa Satellite photo

Maaaring maulit ang pinsala ng bagyong Ondoy sa bagyong Lando.

Ito ang matinding pangamba ni NDRRMC Executive Dirctor Alexander Pama  at ng PAGASA sa harap ng pagpasok ng  tatlong weather systems na umiimpluwensya sa kalagayan ng panahon sa  bansa.

Ayon kay Pama, ang mabagal ngunit malakas na bagyong si Lando ay hinihila ng isa pang bagyo sa silangan na may international name na Champi at meron ding isang high pressure area sa ibabaw ng dalawa.

Dahil dito, halos magiging semi-stationary si Lando at posibleng mamalagi sa Aurora sa loob ng 24 oras

Ipinahayag naman ng PAGASA,  na ang nagaganap ngayong hilahan nina Lando at Champi ay katulad ng nangyari sa pagitan ng mga bagyong “Pepeng” at bagyong  “Ondoy” noong 2009.

Subalit, umaasa pa rin  ang PAGASA  na hindi magiging mapaminsala si Lando.

“Bigyan lang ho natin ng diin: Ito pong si Lando ay hindi po ito pareho ng karaniwang bagyo na isang araw lang na dadaan sa atin. Nakikita natin base sa mga forecast at pagpapaliwanag ng ating mga scientist na tatagal ito posible hanggang Martes, ayon pa kay Pama.

Sa ngayon, patuloy ang evacuation ng mga residente sa baybayin ng Aurora samantalang sa mga bayan ng Dinapigue, Maconacon, Palanan, B. Soliven at San Mariano sa Isabela ay meron nang 157 families na inilikas.

TAGS: Bagyo, Lando, NDRRMC, Ondoy, Pagasa, Bagyo, Lando, NDRRMC, Ondoy, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.