Ombudsman nagpasalamat sa PNP sa pagkaka-aresto sa pinatay na prosecutor
Pinuri ng Office of the Ombudsman ang Philippine National Police sa mabilis na pag aresto sa suspek na pumatay kay Assistant Special Prosecutor Atty. Madonna Joy Tanyag.
Sa isang pahayag, sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na dahil sa pagtutok ng mga pulis sa krimen ay agad na naresolba ang kaso at nahuli si Angelito Avenido Jr.
Dagdag pa ni Morales, kilala si Tanyag ng kanyang mga kasamahan bilang masipag at magaling na prosekutor na humahawak ng mga high profile cases kaya naman maituturing umano syang kawalan sa kanilang opisina.
Nagpahayag naman ng pakikiramay ang Ombudsman sa pamilya ni Tanyag.
Kahapon, iprinesenta na ang suspek sa pagpatay kay Tanyag.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, matagal ng lulong sa droga ang suspek at problem child daw ito.
Si Avenido na nahaharap sa kasong robbery with homicide ay nahuli Lunes ng gaby sa isang follow up opeation at Narekober sa kanya ang cellphone, coin purse, ID ni Tanyag, at P9,000 cash.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.