DSWD may P1.155B na standby funds at quick response fund sakaling may maapektuhan ang bagyong Domeng
Naghahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pondo nito at iba pang pangangailangan sakaling may mga pamilyang masalanta ng bagyong Domeng.
Batay sa DSWD Predictive Analytics for Humanitarian Response, posibleng umabot sa 188,334 na katao ang maapektuhan ng pagbaha at rain-induced landslide dahil sa bagyong Domeng kung saan, 11,532 dito ay mahihirap na pamilya.
Ayon sa DSWD, mayroon silang stockpiles at standby funds na nagkakahalaga ng ₱1.155 billion.
Sa nasabing halaga, mahigit ₱207 million ang standby funds sa central office at field offices ng DSWD habang mahigit ₱165 million naman ang bahagi ng Quick Response Fund.
Samantala, mayroong kabuuang 485,636 na Family Food Packs (FFPs) rin ang available para maipamahagi sakaling kailanganin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.