Kung kukwentahin, pumapatak itong P333 kada araw na kita para maka-survive ang limang miyembro ng isang pamilya.
Sa naging computation ng NEDA, P3,834 ang budget na inilagay para sa pagkain at inumin, P6,008 naman para sa mga non-food expenses gaya ng bills, renta sa bahay, damit, sapatos, gamit sa bahay at iba pa.
Ang ilang netizen, naglagay pa ng hashtag na “NEDA10KChallenge” sa kanilang mga komento.
Anila nagpapatawa ata ang NEDA nang sabihing kasya ang P10,000 para sa limang miyembro ng pamilya sa loob ng isang buwan.
Mistula umano itong pang weight-loss program dahil parang lalabas na isang beses lang kakain sa isang araw ang bawat tao.
Hinamon din nilang subukan ng mga taga-NEDA na mamuhay ng isang buwan na P10,000 lang ang budget.