Oplan Saklolo ng PNP-MIMAROPA, pinagana bilang paghahanda sa epekto ng Bagyong Domeng
Kasunod ng nagbabadyang epekto ng Bagyong Domeng, pinagana na ng Police Regional Office ng MIMAROPA ang kanilang Oplan Saklolo.
Layon nitong agad na mabigyan ng tulong ang mga pamilyang lubhang maapektuhan ng bagyong Domeng sa mga probinsya ng Misamis Occidental, Misamis Oriental, Marinduque, Romblon at Palawan.
Ayon kay PRO-4B Spokesperson Supt. Imelda Tolentino, iniutos mismo ng kanilang Regional Director na si Police Chief Supt Emmanuel Licup ang pag-activate ng Oplan Saklolo.
Naalerto na rin anya ang lahat ng unit commanders na maglabas ng preparedness plan, operational concept at scheme of accomplishment bilang pagtugon na rin sa support mission ng PNP kapag may kalamidad.
Batay sa ulat ng NDRRMC, bagamat hindi inaasahang magla-landfall ang bagyong domeng makakaranas ng malakas na pagulan ang mga lugar sa MIMAROPA at Western Visayas simula bukas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.