Lalaking nanloob sa isang convenience store patay sa engkwentro sa mga otoridad sa Cavite

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 06, 2018 - 09:04 AM

Nasawi ang isang lalaki na hinihinalang suspect sa pangho-holdap matapos maka-engkwentro ng mga otoridad.

Naganap ang engkwentro sa Sabutan-Paliparan Road sa Barangay Sabutan, Silang, Cavite alas 3:00 ng madaling araw ng Miyerkules (June 6).

Ayon sa Cavite Police, nakatanggap ng tawag ang Silang Police station mula sa isang concerned citizen na mayroong niloobang branch ng 7-11 convenience store sa nabanggit na barangay.

Agad nagkasa ng operasyon ang mga pulis at nang maharang ang suspek sa Oplan Sita ay hindi ito huminto at pinaharurot pa ang kaniyang motorsiklo.

Doon na nauwi sa barilan ang insidente na ikinasawi ng hindi nakilalang suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: encounter, Radyo Inquirer, silang cavite, encounter, Radyo Inquirer, silang cavite

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.