Pagtatatag ng local 911 emergency call centers sa mga LGU, pinamamadali na ng DILG

By Mark Makalalad June 06, 2018 - 08:52 AM

Nanawagan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Unit (LGU) na nagkakaloob ng emergency aid na madaliin na ang pagkonekta ng kanilang sistema sa 911 upang mas madali silang matawagan ng mga tao.

Ayon kay Interior and Local Government OIC Eduardo Año, sang-ayon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, dapat ay iisa lamang ang emergency hotline sa bansa at ito ay ang 911.

Nalilito raw kasi ang publiko sa pagkakaroon ng ibat-ibang hotline numbers.

Dagdag pa ni Año, bilang pinuno ng policy making body sa nilagdaang Executive Order ng pangulo, dapat ay magkaroon ng local 911 call centers sa mga LGU na sya namang mapapasailalim sa superbisyon ng National Call Center.

Sa ngayon, mayroong walong emergency call centers sa buong bansa na may 169 na kawani na tumatanggap ng emergency calls sa 911.

Samantala, tiniyak naman ni Año ang mas mahusay na pagbibigay ng alalay sa oras ng sakuna na may kinalaman sa pagpigil sa kriminalidad, pampublikong kaayusan at seguridad oras na maitatag na ang 911.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 911, Emergency Hotline Number, Hotline Number, Radyo Inquirer, 911, Emergency Hotline Number, Hotline Number, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.