Dalawang lalaki patay sa buy-bust sa Bulacan

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 06, 2018 - 08:11 AM

Nasawi ang dalawang lalaki makaraang manlaban umano sa mga pulis na nagkasa ng buy-bust operation sa lungsod ng San Jose del Monte sa Bulacan.

Kinilala ang mga suspek na sina Jonathan Tactac at ang kaniyang kasama na nakilala lang sa alyas Bryan.

Ayon kay Senior Supt. Chito Bersaluna, direktor ng Bulacan provincial police, nakatunog ang mga suspek na isang pulis pala ang kanilang katransaksiyon sa Barangay Muzon.

Bumunot umano ng baril ang mga suspek at nagpaputok sa mga pulis.

Agad namang nakaganti ng putok ang mga pulis at tinamaan si Tactac at ang kaniyang kasamahan na dahilan sa kanilang pagkamatay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bersaluna, Bulacan, Bulacan Police Provincial Office, San Jose Del Monte City, War on drugs, bersaluna, Bulacan, Bulacan Police Provincial Office, San Jose Del Monte City, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.