82 katao arestado sa anti-criminality law enforcement operations sa Makati

Aabot sa 82 katao ang inaresto sa isinagawang simultaneous anti-criminality law enforcement operations sa lungsod ng Makati.

Magdamag na ginalugad ng mga tauhan ng Makati City police ang lungsod at doon nadakip ang 82 katao kabilang ang 10 menor de edad dahil sa iba’t ibang paglabag.

Karamihan sa mga dinampot ay nag-iinuman sa kalsada, nagsusugal, at mga walang suot na pang-itaas.

Isinailalim sila sa profiling upang matukoy kung wala silang kinakaharap na mga kaso.

Ang mga walang kaso ay palalayain din naman agad habang ipatatawag naman ang mga magulang ng mga menor de edad.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...