Lacson, Pimentel at Sotto, perfect attendance sa 2nd regular session ng 17th congress

By Rhommel Balasbas June 06, 2018 - 07:42 AM

Inquirer File Photo

Hindi nakapagtala ng absent o tardiness sina Senate President Vicente Sotto III, Sen. Aquilino Pimentel III at Sen. Panfilo Lacson sa second regular session ng 17th congress.

Perfect attendance ang naitala ng tatlong senador sa kabuuang 79 araw na sesyon ng Senado mula July 24, 2017 hanggang May 30,2018 base sa ulat ng Journal Service.

Walang marka ng kahit anong tardiness, pagkakasakit at official mission ang tatlong senador.

Complete attendance din ang naitala ni Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri gayunman ay mayroon itong late na 10 beses sa diskusyon sa plenaryo.

Tila runner ups naman sina Sen. Nancy Binay, Senate Minority Franklin Drilon at Sen. Gregorio Honasan na nakadalo sa 78 roll calls sa plenaryo gayunman ay nagkatalo-talo sa official trips at tardiness.

Dahil nakakulong sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, walang nadaluhan si Sen. Leila De Lima sa sesyon ng Senado.

Gayunman ay aktibong nakapaghahain ng batas at nakapaglalabas ng kanyang mga pahayag.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: koko, Radyo Inquirer, seante attendance, Sotto, koko, Radyo Inquirer, seante attendance, Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.