Floyd Mayweather Jr., muling nanguna sa 100 highest-paid athletes ng Forbes
Muling nanguna sa 100 highest-paid athletes ng Forbes ang boxer na si Floyd Mayweather Jr.
Ayon sa Forbes, ito rin ang unang pagkakataong walang babaeng atleta na napasama sa listahan.
Base sa datos ng Forbes, ang 41 anyos na si Mayweather Jr. ang highest-earner athlete sa mundo na mayroong $275 million dollars na kinita sa kaniyang cross-combat superfight laban kay mixed martial arts star Conor McGregor noong August 2017.
Dagdag pa dito ang $10 million na kit ani Mayweather sa endorsements, dahilan para makapagtala siya ng total earnings na $285 million sa pagitan ng June 1, 2017 at June 1, 2018.
Pumangalawa naman sa pwesto ang football star na si Lionel Messi na nagtala ng $111 million dollars na kita.
Kapansin-pansin namang wala ni-isang babaeng atleta sa top 100 list ng Forbes na unang pagkakataon sa kasaysayan mula ng magsimula ang pag-publish ng nasabing ranking.
Si Tennis star Serena Williams na noong nakaraang taon ay natatanging babae sa top 100 at nasa number 51 ay Nawala na sa listahan matapos magpahinga sa sports nang siya ay manganak.
Samantala, hindi lang sa finals ng NBA magkatunggali sina Lebron James ng Cleveland Cavaliers at Stephen Curry ng Golden State Warriors.
Kapwa kasi sila na sa top 10 ng highest paid athletes – nasa pang-anim na pwesto si LeBron na mayroong earnings na $85,5 million habang nasa number 8 naman si Curry na mayroong earnings na $76.9 million.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.