Isang Memorandum of Understanding (MOU) ang nilagdaan ni Presidential Communications Operations Office at ng Ministry of Culture and Arts ng Korea kasabay ng official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Layon ng MOU na mapabuti ang kapasidad ng magka-ibang panig sa larangan ng mutual staff visits, training and exchange sa larangan ng broadcasting.
Nakasaad sa MOU na magkakaroon ng joint o individual activities and program para mapalakas pa ang kooperasyon ng dalawang bansa.
Kabilang sa sakop ng MOU ay ang pagtutok sa listahan ng mga proposed activities na mapagkakasunduan ng dalawang panig na magkaroon ng sharing ng information at iba pa.
Ang MOU ay mananatiling epektibo sa loob ng tatlong taon at otomatiokong marerenew ito sa susunod na tatlong taon maliban na lamang kung magpapasya ang isang panig na suspendihin o kanselahin na ang kasunduan.
Sina Sec. Martin Andanar ng PCOO at Minister Do Jonghwan ang lumagda sa naturang kasunduan.