11 patay, 25 pa ang nawawala sa pagsabog ng truck sa bukana ng minahan sa China

Patay ang labingisang katao makaraang sumabog ang isang truck na may lulang mga pampasabog malapit sa entrance ng minahan ng iron-ore sa China.

Maliban sa 11 nasawi mayroon pang 25 katao na pinaniniwalaang na-trap sa loob ng minahan sa Liaoning province.

Sa ulat ng state media sa China, kasagsagan ng pagtatrabaho ng mga manggagawa sa minahan nang sumabog ang truck malapit sa bukana.

Mayroon pang mga nasugatan na isinugod sa ospital.

Hindi na bago ang mga aksidente sa mga minahan sa China. Noong May 2017, 18 ang nasawi sa gas leak sa coal mine sa Central Hunan province.

December 2016 naman nasawi ang 59 na katao matapos na magkaroon ng dalawang pagsabog sa coal mines sa Inner Mongolia Region at sa Heilongjiang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...