Drug suspek patay sa engkwentro sa Caloocan City

By Justinne Punsalang June 06, 2018 - 02:30 AM

Nauwi sa barilan ang ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Barangay Bagong Silang, Caloocan City.

Kinilala ang drug suspek na si Gilbert Nicolas, 50 taong gulang at residente sa lugar.

Ayon kay Caloocan PCP 3 Commander Police Reymond Nicolas, matapos ang transaksyon ay biglang bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis.

Agad na tumakas ang suspek papunta sa kanyang bahay, kung saan naganap ang palitan ng putok sa pagitan nito at mga otoridad.

Kwento ng mga residente, umiiwas silang dumaan sa lugar dahil sa takot, lalo na’t alam nilang may baril ang suspek.

Ayon pa sa mga otoridad, sangkot din sa gun for hire ang napatay na suspek, bukod pa sa kalakaran ng iligal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.