Pangulong Duterte nakabalik na ng bansa mula South Korea
Nakabalik na mula sa South Korea si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang tatlong araw at kauna-unahang official visit sa naturang bansa.
Eksakto alas 11:40 ng gabi ng lumapag ang commercial flight ng presidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
Sa kanyang pagbisita sa Seoul ay nakapulong ng pangulo si South Korean President Moon Jae-in kung saan sinang-ayunan ng dalawang lider ang pagpapalakas sa ugnayan ng Pilipinas at South Korea maging ang pagpapalakas sa kalakalan at pamumuhunan.
Nakipagpulong din si Duterte sa mga negosyante sa Seoul kung saan tinunghayan niya ang paglagda sa 23 kasunduan,
Nakipagkita rin ang pangulo sa Filipino Community sa South Korea.
Naiuwi ni Duterte ang nasa $4.9 bilyong investment pledges at $1 bilyong official development assistance (ODA) bilang suporta sa Build Build Build program ng administrasyon.
Ang pagbisita ng presidente sa South Korea ay ang kanya nang ikaapat na overseas trip ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.