AFP mas pipiliing patalsikin ako sa pwesto kaysa makipagiyera sa China – Duterte
Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas pipiliin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patalsikin na lamang siya sa pwesto kaysa sumabak ito sa giyera laban sa China kaugnay ng agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.
Sa press briefing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 sa kanyang pagbabalik sa bansa, sinabi ng presidente na ang pagpapadala ng militar para labanan ang China ay magreresulta sa problema.
Ito ang sagot ng pangulo sa ibinabato ng mga kritiko sa tila ay malabnaw na aksyon ng administrasyon sa isyu ng West Philippine Sea.
Anya, hindi rin naman sigurado kung susunod sa kanya ang AFP kapag inutusan itong ibuwis ang kanilang mga buhay para sa maritime row.
Samantala, sinabi ng pangulo na ang mga isyu sa agawan sa teritoryo ay kanya nang idinulog kay Chinese President Xi Jinping sa kanilang unang pulong.
Iginiit ni Duterte na nang makausap niya si Xi ay kanyang iprinotesta na ang oil exploration projects ng China sa teritoryo at magmimina rin ang Pilipinas para sa sarili nitong langis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.