Paghalik ni Pangulong Duterte sa Pinay OFW maling gimik — Gabriela

Maling gimik.

Ito ang turing ng women’s group na Gabriela sa kontrobersyal na paghalik sa labi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Pilipinang may asawa at mga anak na nasa South Korea.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas, sinabi nito na insensitive at hindi karapat-dapat ang ginawa ni Duterte bilang pangulo at lider ng bansa.

Kung sa tingin anya ng iba ay maliit na isyu ang paghalik ng pangulo sa babae, para sa kanilang grupo na nagsusulong sa karapatan at kapakanan ng mga kababaihan ay nakakagulat ang pangyayari.

Dagdag ng kongresista, ang paghalik ng pangulo sa babae ay hindi lang isyu kung may consent o hindi nagreklamo ang pinay, kundi mas higit sa epekto nito sa mga tinatamasa ng benepisyo ng mga kababaihan lalo na ang mga Pilipina.

Read more...