Mga magulang pinayuhan ng DOH pabaunan ng masustansyang pagkain ang mga anak

By Len Montaño June 06, 2018 - 01:39 AM

Kasabay ng unang linggo ng pagbabalik eskwela ng mga estudyante, hinimok ng gobyerno ang mga magulang na huwag pakainin ang kanilang mga anak ng mga matatamis at maaalat na mga pagkain sa kanilang recess at tanghalian sa paaralan.

Ayon kay Department of Health (DOH) Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy, dapat pabaunan ng mga magulang ng masustansyang mga pagkain ang kanilang mga anak para malayo sila sa obesity at iba pang sakit.

Sinabi ni Suy na hindi dapat hayaan ang mga estudyante na uminom ng softdrinks o sweetened beverages bilang kanilang baon sa eskwelahan.

Mas mabuti aniya na magbaon ang mga bata ng masustansyang baon imbes na bigyan sila ng pera.

Kapag may pera kasi aniya ay hindi tiyak kung tamang pagkain ang kinakain sa break ng estudyante.

Hinimok ng DOH official ang mga magulang na pagbaunin ang mga bata ng sandwich at prutas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.