June 12 at 15 walang pasok

By Len Montaño June 06, 2018 - 04:36 AM

Inanunsyo ng Deparment of Education (DepEd) na walang klase sa June 12 at 15.

Sa kanilang official Facebook page, inanunsyon ng DepEd na ngayong buwan ay walang pasok sa ika-12 para sa paggunita sa Araw ng Kalayaan at ika-15 para naman sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng ramadan ng ating mga kapatid na Muslim.

Ayon sa ahensya ang naturang dalawang petsa ay mga regular holidays.

Ipagdiriwang ng bansa ang 120th Independence Day sa June 12 habang ang June 15 ay ang obserbasyon ng mga Pilipinong Muslim sa pagtatapos ng isang buwang fasting period.

Ang independece day ay kasama na sa taunang kalendaryo ng mga regular holiday habang ginagawa ring holiday ng gobyerno ang petsa kung kailan pumapatak ang Eid’l Fitr.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.