$4.9 bilyon na negosyo inuwi ni Pangulong Duterte mula South Korea

By Len Montaño June 06, 2018 - 04:27 AM

AP Photo

Naselyuhan ang $4.9 bilyon na halaga ng negosyo at investment sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.

Sa huling araw ng opisyal na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Seoul, sinaksihan nito ang pagpirma sa 23 na kasunduan.

Ito ay sa mga sektor ng automotive, public utility, modernization, liquified natural gas, coal fire power, engineering, construction, sea offshore services, food, at aqua-culture.

Kabilang dito ang planong pagpapatayo ng pagawaan ng mga pampublikong sasakyan at power plant.

Gayundin sa pagkakaroon ng kimchi food business sa bansa.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, magreresulta ang mga kasunduan sa 50,000 na mga trabaho.

Sinabi naman ng pangulo na kailangan ng bansa ang mga investments para makasabay ang pilipinas sa pag-unlad ng mga bansa sa Asya.

Umaasa si Pangulong Duterte na ang mga bagong business deals sa South Korea ay matutuloy para pakinabangan ng bansa at mga Pilipino

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.