PDEA pinayuhang maghinay-hinay sa paglalabas ng narcolist

By Erwin Aguilon June 05, 2018 - 06:16 PM

Inquirer file photo

Hinamon ng ilang kongresista si Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino na sampahan ng kaso ang anim o pitong mambabatas at iba pang opisyal ng gobyerno na nasa narcolist sa halip na mapaghinalaan pa ang 292 miyembro ng House of Representatives.

Ayon kay administration Congressman Winston Castelo at Akbayan Rep. Tom Villarin na miyembro ng independent minoritu sa Kamara, dapat mag ingat si Aquino sa kanyang mga pahayag dahil baka ito ay magresulta sa trial by publicity.

Sinabi nina Castelo at Villarin, dapat din dalhin muna sa legal forum sa pamamagitan ng paghahain ng pormal na kaso laban sa mga sinasabing mambabatas na na narco list sa halip na magkaroon ng publicity.

Paliwanag pa ni Castelo, maituturing na inosente ang isang tao hanggang hindi pa napapatunayang guilty kaya dapat mga ingat si Aquino sa kanyang mga pahayag.

Para naman kay Villarin, dapat ipatupad ng PDEA ang due process dahil sa ang pagpapangalan nila sa publiko ay maaariing mauwi sa akusasyon na guilty na agad ang kanilang mga inaakusahan.

Nangangamba din siya na ang mga tumutuligsa sa gobyerno sa kanilang war on drugs ay siyang maiugnay sa drug lords at iba pang illegal na negosyo.

TAGS: Aquino, castelo, PDEA, villarin, Aquino, castelo, PDEA, villarin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.