PAGASA: Bagyong Domeng hindi magla-landfall sa bansa
Binabantayan pa rin ng weather bureau na PAGASA ang Bagyong Domeng.
Sa isang press conference kanina, sinabi ni weather forecaster Nicos Peñaranda na ang Tropical Depression Domeng ay huling namataan 690 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.
Ito ay may gustiness o pagbugso na 45 hanggang 69 kilometer per hour, at gumagalaw 14 kilometers per hour tungong North-Northwest.
Pero hindi inaasahang magla-landfall o tatama ito sa saan mang parte ng bansa.
Pagdating ng June 8 o araw ng Biyernes, malapit na ang Domeng sa Cagayan Province, at inaasahang magiging severe tropical storm sa lakas na 87 hanggang 110 kilometers per hour.
Sa June 10 o araw ng Linggo lalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR si Domeng.
Wala ring Tropical Cycle Warning signals na itataas sa saan mang bahagi ng Pilipinas gayunman sinabi ni Peñaranda na posibleng mapalakas nito ang Habagat na magdudulot ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa western sections ng Visayas at Luzon, kasama ang Metro Manila sa darating na weekend.
Naka-antabay ang PAGASA sa lagay ng panahon mula June 7 hanggang 11, dahil sa mga panahong ito maaaring pormal nang maideklara ang rainy season o panahon ng tag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.