Alejano kumambyo tuloy na ang pagtakbo bilang senador
Tuloy na ang pagtakbo ni Magdalo Rep. Gary Alejano bilang Senador sa May 2019 elections matapos nitong tanggapin ang hamon ng kanyang partido.
Ayon kay Alejano, tinanggap na niya ang nominasyon ni Senator Antonio Trillanes IV, dahil kailangan ng bansa ang isang independent-minded senator na handang isulong ang interest ng taumbayan .
Paliwanag ni Alejano na kailangan din ng bansa ang isang miyembro ng Senado na magsasalita para sa taumbayan, tatayo para sa demokrasya at ipaglalaban ang soberenya at territoral integrity ng bansa lalo na ngayon na karamihan ay tahimik sa umano’y pang-aabuso ng administrasyong Duterte sa pag-angkin ng China sa West Philippine Sea.
Si Alejano ay hayagan ang pagsasalita laban sa pagpasok ng China sa teroritoryo ng Pilipinas at nananawagan kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na magbitiw sa puwesto dahil sa kawalan niya ng aksyon sa nasabing isyu.
Nauna nang inihayag ni Senator Antonio Trillanes IV na isusulong ng kanilang partido si Alejano sa senatorial post dahil sa kwalipikado siya sa nasabing posisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.