Sinibak na pinuno mananatili pa rin sa Philhealth ayon sa Malacañang

By Chona Yu June 05, 2018 - 04:39 PM

Inquirer file photo

Nilinaw ng Malacañang na tanging ang pagiging officer-in-charge ng Philhealth ang inalis na posisyon kay Celestina Maria Jude Dela Serna.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mananatili pa si Dela Serna bilang board member ng Philhealth bilang kinatawan ng sektor ng mga Overseas Filipino Workers.

Una rito, sinabi ni Doque na sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dela Serna dahil sa sobrang pagbiyahe at hindi tamang pamamahala sa pondo ng Philhealth.

Isang senior official sa palasyo aniya ang nagsagawa ng imbestigasyon kaugnay kay Dela Serna at inirekoemnda sa pangulo na sibakin na ang opisyal.

Sinabi ni Roque na malabong maipatupad ang programa ni Pangulong Duterte na universal health care program kung hindi maayos ang namamahala sa Philhealth.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na officer-in-charge na muna ang posisyon ngayon ni Philhealth board member Dr. Roy Ferrer.

Nilinaw ng opisyal na wala pa kasing napipiling permanentng kapalit ang pangulo sa puwesto ni Dela Serna.

Matatandaang aabot sa P9 Billion ang nawala sa pondo ng Philhealth sa mga nakalipas na taon.

TAGS: dela serna, ferrer, oic, philhealth, Roque, dela serna, ferrer, oic, philhealth, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.