Mahal na presyo ng petroyo hanggang 2019 pa ayon sa isang kongresista

By Erwin Aguilon June 05, 2018 - 04:24 PM

Inquirer file photo

Iginiit ni Kabayan Partylist Rep. Ciriaco Calalang na hindi na dapat hintayin ng gobyerno na umabot sa $80 per barrel ang presyo ng krudo sa world market bago magbigay ng ayuda sa mga tao.

Ayon kay Calalang, iniinda na ng publiko ang epekto ng mahal na langis tulad ng pagtaas sa taas ng presyo ng mga bilihin kahit nasa $70 per barrel ang halaga ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Base sa pinakahuling datos ng American financial market company na CME Group maglalaro sa $70 hanggang $75 per barrel ang Dubai crude hanggang June 2019.

Samantalang magsisimula naman itong bumaba sa $69 per barrel sa July 2019 at bababa sa $54 per barrel mula January hanggang June 2022..

Ayon sa mambabatas, tataas pa ngayong buwan ang demand dahil sa summer vacation travel at transport season na magsisimula sa June sa maraming bahagi ng mundo.

Kaugnay nito, Pinayuhan ni Calalang ang gobyerno na tuluy-tuloy lamang ang pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na Pilipino upang makaiwas sa economic crisis.

TAGS: Calalang, cme group, gasoline, Kabayan, Calalang, cme group, gasoline, Kabayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.