Ex-Immigration Comm. Michael Robles nanindigan na di sila tumanggap ng suhol
Ibinasura ng Sandiganbayan ang apela ni dating Immigration deputy commissioner Michael Robles na i-dismiss ang kanyang kinakaharap na kasong plunder kaugnay ng P50 Million bribery scandal sa Bureau of Immigration.
Sa motion for reconsideration ni Robles, iginiit niya na hindi krimen ang pagbibigay ng P50 Million suhol ng retiradong pulis na si Wally Sombero na umano’y middleman ng negosyanteng si Jack Lam.
Hindi raw kasi sapat ang dalawang oras para gumawa ng dalawang magkagkahiwalay na krimen.
Pinatutungkulan ni Robles ang paghahatid umano ng P20 Million dakong 2:00 ng umaga at ng dagdag na P30 Million naman ganap na 5:45 ng umaga sa kanya at kay dating deputy commissioner Al Argosino.
Dagdag ni Robles, hindi rin nakuha sa masama ang pera dahil nakalaan talaga ito para sa pyansa ng 1,316 iligal na manggagawang Chinese ni Lam sa kanyang casino sa Clark, Pampanga.
Gayunman, sinabi ng Sandiganbayan Sixth Division na maituturing na serye ng mga krimen ang pagtanggap ng pera nina Argosino at Robles na sinamantala umano ang kanilang posisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.