OSG pinagkokomento ng Supreme Court sa apela ni Sereno

By Alvin Barcelona June 05, 2018 - 03:41 PM

Binigyan ng Supreme Court si Solicitor General Jose Calida ng limang araw para sagutin ang apela ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno laban sa pagpapatalsik sa kanya ng korte suprema sa pamamagitan ng quo warranto petition.

Ayon kay SC Spokesman Theodore Te, ang direktiba ay ginawa ng Supreme Court en banc sa sesyon nito kaninang umaga.

Una nang iginiit ni Sereno na walang bisa ang pagpapatalsik sa kanya ng Supreme Court sa paniniwalang hindi siya nabigyan ng due process dahil hindi dapat ang korte kundi ang Senado na tatayong impeachment court ang duminig sa kanyang kaso.

Nanindigan din si Sereno na dapat nag-inhibit sa botohan ang anim sa mahistrado ng SC na sina Associate Justices Noel Tijam, Teresita de Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza at  Samuel Martires dahil sa ipinakita nitong bias laban sa kanya nang tumestigo sila sa Kamara.

Noong May 11, kinatigan ng SC sa botong 8-6 ang pagkuwestiyon ni Calida sa bisa ng appointment ni Sereno dahil sa hindi pagsusumite ng kumpleto nitong Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

Alinsunod sa rules of court, kailangan ni Sereno ng dalawa pang paborableng boto para mabaligtad ang pagpapatalsik sa kanya.

TAGS: calida, Chief justice, quo warranto, Sereno, calida, Chief justice, quo warranto, Sereno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.