200 mga pulis na sangkot sa iba’t ibang katiwalian kinasuhan ng PNP-CITF
Aabot sa halos 200 mga pulis ang tinamaan sa operasyon ng Counter-Intelligence Task Force ng Philippine National Police sa nakalipas na 16 na buwan
Sa pagbaba sa pwesto ng hepe ng CITF na si Senior Supt. Chiquito Malayo, kanyang ipinagmalaki na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay 74 na police scalawags ang kanilang naaresto samantalang umaabot sa 82ang sinamapahan ng kasong kriminal habang 38 ang sinampahan ng kasong administratibo.
Kasama sa mga ito ang 24 na mga opisyal habang 170 ang mga non-commissioned officers o yung may mga ranggong PO1 hanggang SPO4.
Sa nasabing mga opisyal ay Chief inspector ang pinakamataas na ranggo.
Kanina, nagpalit na ng liderato ang CITF at na bilang bagong hepe nito si SSupt Romeo Caramat na siyang dating hepe ng Bulacan PNP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.