Paghalik ni Pangulong Duterte sa isang Pinay, hind imoral ayon sa Malakanyang

By Chona Yu June 05, 2018 - 01:07 PM

Nanindigan ang Malakanyang na hindi imoral ang ginawang paghalik sa labi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Pinay sa meet and greet sa Filipino community sa South Korea.

Sa pulong balitaan sa South Korea, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na paulit-ulit naman na binibigyang-diin ng pangulo na single siya.

“I don’t think there’s anything immoral. After all, the President has reiterated he is single,” pahayag ni Roque.

Kasabay nito, tila nagbago ang tono ng Malakanyang kaugnay sa naturang insidente.

Ayon kay Roque hindi acceptable norm ang ginawang paghalik ng pangulo sa isang Filipina.

Taliwas ito sa kanyang pahayag noong Lunes na tanggap naman ng kultura ng mga Filiipno ang ginawa ng pangulo.

“The President, of course, has had a policy of doing what he does because he does things the way he does things. If some people are offended, so be it,” pahayag ni Roque

Pinatatahimik din ng palasyo ang mga kritiko at ang mga bumabatikos sa paghalik ng pangulo sa Pinay.

Hindi naman aniya nagrereklamo ang babaeng hibnalikan ng pangulo at katunayan ay proud pa kung kaya wala nang karaptan ang iba na magreklamo.

“If there is anyone who should complain it only be the woman who was kissed & she’s not complaining. he has said for the record that she was proud of the fact that she was able to come that close to the President and if she’s not complaining I don’t think anyone should,” Ani Roque.

Matatandaang umani ng batikos ang pangulo matapos halikan sa labi ang isang Filipina sa South Korea.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, south korea, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.